Top 10 Larong Kalye : A Reminisce

12

Langit lupa impyerno
im im impyerno
saksak puso tulo ang dugo
patay buhay
alis kana dyan!

Naaalala niyo pa ang kantang yan? Ito ay ang theme song ng larong Langit Lupa. Isa lamang ito sa mga larong kalye na aking nilalaro nong ako’y bata pa. Nakakapanabik na balikan ang mga panahong tayo’y musmos pa at ang alam lamang gawin ay ang maglaro, hindi ba?

Naalala mo pa ba kung paano ka pagalitan ng iyong mga magulang kung gabi ka nang umuwi at pawis na pawis buhat sa paglalaro sa labas buong araw? Naalala mo pa ba kung gaano ka nananabik sa pag uwi mo sa inyong bahay dahil kayo naman ay maglalaro ng iyong mga kaibigan?

Narito ang sampung larong-kalye na aking naging paborito noon bata pa ako.

10

Hindi makakaila nong bata tayo na ito ang madalas laruin.

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap,  pagkabilang ko ng sampu nakatago na kayo, isa ….. SAMPU!”

Ito naman ang theme song ng larong ito. Nakakaaliw rin itong laruin ngunit nakakainip nga lang kapag ikaw ang taya at matatagalan kang hanapin ang iba mo pang kalaro. Mas nakakaaliw itong laruin kapag palubog na ang araw o kung gabi dahil tiyak na magiging mahirap ang paghahanap.

09

Mas nakakaaliw itong laruin kapag higit sa tatlo kayong naglalaro.  Ang layunin ng larong ito ay ang tayain ang sinumang nasa lupa at hindi maaaring tayain ang mga nasa langit. Maaari ring magkaroon ng bilangan kung hindi talaga umaalis ang iba sa langit.

08

Mayroong dalawang grupo at may tag-lima o higit pang miyembro bawat isa. Ang unang grupo ay kailangan umiwas sa bola na itatapon ng tayang grupo. Paubusan ito ng miyembro. Kapag natamaan na lahat ng miyembro ng unang grupo ay magiging taya naman sila.

07

Isa ito sa mga pinakasikat na larong pinoy. Kailangan ng tatlo o higit pang manlalaro. Magkakaroon muna ng eliminasyon para mapili ang preso o syang tatawaging taya. Pagkatapos ay patutumbahin ng mga manlalaro ang lata gamit ang tsinelas o sapatos na tinatawag na “pamato”.

Kapag hindi ito tinamaan ay kailangang kunin ng manlalaro ang tsinelas at bumalik sa base at patutumbahin ulit ang lata. Ngunit nakabantay ng maigi ang preso dahil kung sino ang matataya niya ay siya naming tatawaging preso. At kapag may nakapatumba na ng lata ay kailangang patayuin ito ng preso, kung kaya’t nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga hindi nakapatumba ng lata na makatakas.

06

Mayroong dalawang grupo ang larong ito at maari ring tatlo. Sa bawat grupo ay may tinatawag na “mother”, “father” at “baby” . Ang mother/father ang siyang lider ng grupo habang ang baby naman ay ang pinakamaliit sa grupo. Kung hindi kaya ng baby, ay maari ang mother/father ang gagawa nito sa kanya.

May dalawang tao ang humahawak sa magkabilang dulo ng garter. Ang layunin ng laro ay kailangang makatawid sa garter ang unang grupo nang hindi nagagalaw ang garter. Pataas nang pataas ang lebel ng garter kapag matagumpay na nakatawid ang mga miyembro sa garter.

05

Maaring laruin ito ng may dalawa o higit pang manlalaro. May dalawang “stick”. Ang isa ay maikli at ang isa ay mahaba.  Kailangang humukay sa lupa ng parihaba na hugis. Ilalagay doon ang maikling “stick”. Ang unang manlalaro ang siyang magiging tagapalo at ang isa naman ang sasalo. Kapag napalipad na ang “stick” ay maaaring paluin ito ulit hanggang sa makakaya.  Magkakaroon ng mas maraming puntos ang makakarami ng palo. Ngunit kapag nang ito ay pinalo at nasalo ng taya na siyang magbibigay sa kanya ng pagkakataon na pumalo.

04

Isa ito sa mga paborito kung laro.  Nakakaliw itong laruin dahil ditto mapapakita kung gaano ka kagaling umiwas sa mga taya at makapasok sa loob ng parisukat na hinati sa apat.

Mayroon lamang dalawang group na binubuo ng tatlo o higit pa. Kailangang umiwas sa mga taya na nagbabantay sa tatlong pahiga na linya at sa gitnang linya. Kapag nakalabas na sa parisukat ay kailangang bumalik ulit at iwasang muli ang mga taya. Kapag nakabalik na sa base ay magkakaroon na ng isang puntos.

03

Mayroong dalawang grupo at may tatlo o higit pang miyembro bawat isa. Ang layunin ng larong ito ay ang sipain ng mga miyembro ng unang grupo ang tsinelas. Kapag hindi ito nasalo ng mga tayang grupo ay maaring tumakbo sa tatlong korner na kung saan kailangang nilang “mag-save”. Kapag nakuha na ng tayang grupo ang tsinelas ay maaaring tamaan ang tumatakbong manlalaro. Kapag natamaan ay maa-out na ang miyembrong iyon at papalitan ng isa pa nyang kamiyembro hanggang sa maubos sila.

02

Nakakaaliw itong laruin kapag may higit sa lima ang manlalaro.  Maghahanapan ang taya at mga manlalaro. BANG-SAK. Ang taya ay tatayain ang ibang manlalaro gamit ang baril (kunwari lamang) at bibigkasin ang “BANG”. Hahanapin din ng iba pang manlalaro ang taya at kailangang maging maingat upang mapapatay nila ang taya gamit ang kutsilyo (kunwari laman) at bibigkasin ang salitang “SAK”.

01

May dalawang grupo ang larong ito. Bawat grupo ay may lima o higit pang miyembro. Meron din silang sariling mga base na kailangang protektahan. Kapag nakasave ang isang grupo sa base ng kabilang grupo ay magkakaroon ng puntos. Kapag nakataya ang isang grupo na mula sa kabilang grupo ay magiging hostage nila ito . Ang mga hostage ay pipila mula sa base ng kalaban. Kailanganag mai-save ng kabilang grupo ang hostage.

 

Ikaw, ano ba ang nilalaro mo nong bata ka pa? Tumbang preso? Patintero? Siyato? Chinese garter? Agawan base? Bang Sak? Tagu-taguan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s